Home

MABUHAY! FILIPINOS ANYONE?

644492 views

6130 posts

Last post 25/06/2019

Posted by nellquickel2017_52611

      Pages

      Pagpalain ng Diyos ang lahing Pinoy!

        Yung Matchbox 20 at Third Eye Blind napanood ko na tumugtug sa isang bar sa San Francisco,ok din sila..Regular sila ruon sa Ondine's.. lol

          Ayos 'yang pagiging physical therapist!

          Gusto ko yung kanta ng Matchbox20 na 'Unwell'. Tapos yung 'Turn Around' yata ang pamagat ng kanta ng Third Eye Blind, ayos din 'yon.

            Paborito ko kanta ng Third Eye Blind "SEMI CHARMED LIFE" lol

              Ayos din 'yan.

                Nasan ka na ba, dong?

                  Pasensya na pare 2 weeks straight na panggabi ako eh..Di naman siguro edited dahil yung patayan ng mga pulis at holdaper sa Doroteo Jose dyan sa Maynila inilabas eh,pero medyo matagal na ata yun..tagal ko na napanood yun sa TV Patrol..nilalabas yung mga rape at salvage etc..

                    Bisitahin mo yung thread ko na RACE HATE NO GOOD sa talk more talk..ano opinyon mo sa diskriminasyon? Sabi nila dyan malakas daw diskriminasyon dito[sabi nung mga pinoy dyan ha],pero tingin ko di lang nila napapansin mas malakas diskriminasyon dyan sa Pinas..pakiramdaman mo maigi.. ?

                      Alam mo pare bihira ako makapasyal dito dahil puro trabaho ako dito..trabaho-bahay,trabaho-bahay..pag day off at vacation leave lang ako nakakapasyal..eto nga McCartney ang pamparelax at pampawala ko ng stress..kung wala siguro ito baka nasira na ulo ko sa katratrabaho hehe..

                      Maganda pasyalan dito yung fisherman's wharf,sa San Francisco yun..

                        Sa tingin ko maganda naman yung trato sa mga Pinoy dyan sa America.

                          Gusto mo ba si Weird Al Yankovic? Me thread ako sa band on the run tungkol sa kanya..

                          Winter na naman pare lamig dito pero yung snow manipis na manipis lang di tulad sa ibang states..

                            ok

                              Di pa naman totally winter,nasa last quarter pa lang actually ng autumn..pa-winter pa lang..katatapos lang ng eleksyon bro sana si Kerry ang manalo..Kahit mga magulang ko Kerry rin sila..naparanoid na kasi ito sa terrorism kaya ayoko kay Bush.Bumoto kami kanina.

                                Ako, okey lang kahit sino manalo. Okey naman siguro silang pareho!

                                  Huwag mong damdaming masyado ang pagkatalo ni Kerry, pare ko! Okay din naman si Bush, sa tingin ko! Eto may joke ako:

                                  Bush: John, John, saan daw galing ang damit mo sabi ni Kit?!
                                  Kerry: Sinong Kit?!

                                    lol

                                    Pasensya na ngayon ko lang uli ito nabisita..Ok lang yun.

                                      Pare inaaway ka nung mga nasa thread mo sa Yesterday hehe lol

                                        i dont care no mo'.

                                          Sinara na pala ni Clorinda yung thread mo eh..wala ka nang problema. wink

                                            Jessie balita rin dito sa Filipino community yung pagkamatay ni FPJ.Sino ba binoto mo nung nag election dyan?

                                              Pages