Home

MABUHAY! FILIPINOS ANYONE?

645460 views

6130 posts

Last post 25/06/2019

Posted by nellquickel2017_52611

      Pages

      Salamat sa link, pare! Pasensya na, wala akong alam kahit isang The Doors song.

        Di mo pa narinig yung "LIGHT MY FIRE"?

        shock

          Pare, may bootleg CD ako ng Led Zeppelin na nabile ko mga 2 taon na ang nakaraan, Greatest Hits Vol. 1, may 15 tracks (pasensya na, tinatamad akong i-type ang mga title), P35.00 lang. Isang beses ko lang napatugtog, 'di na naulit. Sa dami naman kase ng Beatles, Eraserheads, at Nirvana albums na pinapakinggan ko, 'di ko na napatugtog ulit. Stairway To Heaven lang ang gusto ko. Siguro 3 spin pa bago ko ma-appreciate yung ibang mga kanta.

          Pero mas okay naman siguro sila kaysa sa mga karamihan ng banda o solo artists ngayon. Yung karamihan kase ng mga banda o solo artist kase ngayon ampanget ng melody ng mga kanta. None of those music will be remembered in the next 10 years, sa tingin ko lang. Lalo na yang mga hiphop & RnB na 'yan.

            Namatay na yung isang member ng Quarrymen na si Eric Griffiths!http://www.whatgoeson.com/story.20050131.html
            http://www.photos.mccartney.net/beatles.htm

              Ganda nung Beatles na website..salamat..

                Eto pa, baka sakaling may gusto kang mabile na Beatles item:
                www.beatlemaniashoppe.com
                www.beatlology.com

                Meron nang Today In Beatles History sa WhatGoesOn pero para sa 'ken mas okay yung sa Beatlology site. Magsubscribe ka sa site nila ng free Today In Beatles History sa email mo araw-araw.

                  Thank you uli,naalala ko nasabi moruon sa isang thread na mahilig ka kamo sa love songs,yung Chicago ba gusto mo? Eto website nila

                  http//www.chicagotheband.com/

                  Enjoy!

                    Yun nga pala Beatles Anthology na libro nasabi ng pinsan ko dyan na dalawang libo daw ang isa..grabe bilihin dyan no? Dito $10 lang isa..dont convert dahil one is to one ang gastos dito..ano na kaya mabibili mo sa sampung piso?

                    Yung ibang pinoy dito they convert to peso agad which is wrong..

                      Keith Adagio:Thank you uli,naalala ko nasabi moruon sa isang thread na mahilig ka kamo sa love songs,yung Chicago ba gusto mo? Eto website nila: http://www.chicagotheband.com/ Enjoy!

                      Thanks! Gusto ko yung You're The Inspiration (Sila ba'ng kumanta noon?) pero wala na akong alam na ibang kanta nila. ops:

                      May isa pa akong naririnig na kanta na parang boses ni Peter Cetera (member ba siya ng Chicago?) na ganito "Ooohoohoo, baby, please don't go... "

                      Yun nga pala Beatles Anthology na libro nasabi ng pinsan ko dyan na dalawang libo daw ang isa..grabe bilihin dyan no? Dito $10 lang isa..dont convert dahil one is to one ang gastos dito..ano na kaya mabibili mo sa sampung piso?

                      Yung ibang pinoy dito they convert to peso agad which is wrong..

                      Oo nga, eh! Sa tingin ko kalapastanganan na yung ginagawa nila. P55 = $1 kaya 55 x 10 = 550. Kaya P550 lang dapat yung Beatles Anthology book. Bawat album ng Beatles P580.00. Sobrang mahal na presyo para sa isang CD na may running time na humigit-kumulang 33 minuto. Samantalang yung CROSSROAD (greatest hits CD) ni Bon Jovi ay P450.00 lang. Yung Eraserheads Anthology (greatest hits album, 2 CDs), P280.00 lang. Yung Eraserheads ito yung pinaka-successful na banda sa atin.

                        Pwede ba kong sumale? Nadaanan ko lang ito ngayon lang pero nandito ako lagi. Hindi ko alam na meron palang Tagalugan dito. Nakakatuwa. Ako nga pala si Maria (alam nyo na - lahat yata ng babae sa Pilipinas Maria ang umpisa ng pangalan- ano ba yan!). Nandito ako araw2 dahil naghihintay ako ng balita tungkol sa McCartney tour. Manonood ako. Kayo ba manonood? Nanood kami ng asawa ko nung 2002 April - 7 mos preggy pa nga ako pero it was a dream come true talaga! Pero dis time, I will spend more money at doon ako sa malapit uupo kasi nung 2002 ang layo ko tapos ang mahal pa. I spent $125/person. Balitaan nyo naman ako. Tiga saan kayo mga pare?

                          bluebird14:Pwede ba kong sumale? Nadaanan ko lang ito ngayon lang pero nandito ako lagi. Hindi ko alam na meron palang Tagalugan dito. Nakakatuwa. Ako nga pala si Maria (alam nyo na - lahat yata ng babae sa Pilipinas Maria ang umpisa ng pangalan- ano ba yan!). Nandito ako araw2 dahil naghihintay ako ng balita tungkol sa McCartney tour. Manonood ako. Kayo ba manonood? Nanood kami ng asawa ko nung 2002 April - 7 mos preggy pa nga ako pero it was a dream come true talaga! Pero dis time, I will spend more money at doon ako sa malapit uupo kasi nung 2002 ang layo ko tapos ang mahal pa. I spent $125/person. Balitaan nyo naman ako. Tiga saan kayo mga pare?

                          Uy, kabayan, kumusta! Siguro si Keith manonood ng concert nya o kahit paano nakapanood na siguro yan ng McCartney concert. Angswerte mo, nakapanood ka na ng concert ni Macca. Ako hanggang home video lang. Good luck, sana makuha mo yung best seat. Nandito ako ngayon sa Pilipinas. Si Keith 10 years old nung umalis sa Manila.

                            Welcome sa thread Maria..taga California ako.Si Jessie sa Caloocan sa pinas.Inaantay ko nga magawi si Paul sa San Francisco para sa concert.Ewan ko lang kung may balak pa yun bumalik sa Pilipinas,bad trip si Paul sa Philippines.

                              Si Peter Cetera Jessie ang bassist at singer ng Chicago pero solo na sya ngayon..

                                Mabuti marunong ka pa ring mag-Tagalog Jessie since 10 ka pa lang ng dumating dito. I don't think na babalik pa si Paul sa Phils. They swore that day they left na hindi na sila babalik ever. Na bad- trip nga sila talaga. Thanks for welcoming me guys. I feel like I'm home when I get to meet kababayans. Ang alam ko pupunta si Paul sa California, I think LA it is at don mag-e-end ang tour nya around end of Nov. Baka sa Chicago ako manood or DC dahil may kaibigan ako sa Chicago at and DC naman ay 4 hours drive mula dito sa Norfolk. Excited na talaga ako. Pati anak kong lalaki (2 1/2 yrs old) nahawa na sa kabaliwan ko sa Beatles at McCartney. Palagi syang "Paul, Paul!" at gustong panoorin lagi ang Back in the US DVD ni Paul. Naiinip na nga ako kung kailan lalabas ang tiket sales. I'm glad to meet you guys. I'll talk to you later. I gotta go for now.

                                  Oops mali ako - si Keith pala ang umalis na bata pa. Sori! Nagmamadali kasi ako kasi itong anak ko ginugulo ako sa computer. Saka na lang ulit friends!

                                    bluebird14:I'm glad to meet you guys.

                                    Salamat! Ako din.

                                    Grabe kanina may mga bombing na namang nangyare. 'Di ko maidedetalye yung buong istorya. Antabayanan nyo na lang dyan sa TFC. May scheduled concert nga yung Oasis dito noong 2002 kaya na-postpned dahil sa mga bombing. O pwede ring di-soldout kaya nag-backout sila.

                                      Naku grabe na yan pareng Jessie..kahit noong 60s pa masama na ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas.Ewan ko ba yung mga tao rin kasi ang nagpapapangit sa imahe ng Pilipinas.

                                      Nakuha ko ito sa Rolling Stone magazine

                                      "ANYONE WHO'S BEEN BEATEN UP BY IMELDA MARCOS' BULLY SQUAD IS A FRIEND OF MINE"----George Harrison

                                      Nakakahiya pare itong statement na ito ni George..nakakapanliit.

                                      oops

                                        Hi Maria..Oo marunong pa rin ako mag tagalog dahil unang una tagalog ang salita namin sa bahay..pag lumalabas lang ako at pag nasa school nuon nag iingles.Saka pag pinanganak ka na dun sa "native tongue" mo di mo na yun makakalimutan for the rest of your life..

                                        See ya again Maria and hope to hear from you soon.

                                          Hello folks! I'm back. Natuwa ako at may bagong sulat si Paul dito sa site confirming his tour although medyo frustrated pa rin ako dahil hindi pa nilalabas ang tour schedule. Naiinip na ako ng kahihintay. Ano bang balita sa Pinas? Sabi ng katrabaho ko si Aurora Sevilla na dating miss sa pageant ay nagtitinda na lang ngayon sa palengke! Ano ba yan. O sige mga kabayan. Nabasa ko ang comment ni Jessie sa tungkol sa comment ni George. Nakakahiya nga. I wish na marealize ni Paul na hindi lahat ng tao sa PI ay crony ni Imelda. Napansin ko hindi nag to tour si Paul anywhere in Asia. Kasi sa Japan naman noon nung Wings pa sila, kinulong naman siya for 1 day yata for cannabis possession yata yon so hindi na rin sya bumalik doon. Malas sila sa Asian countries. Palagi silang may bad experience. Si George lang ang nag stay sa India ng matagal dahil sa Hare Krishna nya. Napanood nyo ba ang Concert for George? That's one of the best concerts I've seen. I like Eric Clapton too and George's son - talagang parang nabuhay si George. Para silang pinagbiyak na bayabas. Kamukang kamuka ni Dhani si George. Nakapunta na rin pala ako sa Strawberry Fields memorial park sa New York at may picture ako ng Imagine mural doon sa Central Park. I went there purposely just for that. Also, pinuntahan ko ang Dakota apartment - the entryway where John Lennon was shot at may litrato din ako doon. I'll never forget that trip.. anyway, I'll talk to you again. I gotta watch Survivor now and Apprentice. Later friends...

                                            Oo Maria,madalas ireplay replay palagi dito sa TV yun.Si jessie nga pala yung nasa Pilipinas at ako yung California guy. roll shock

                                            Kahawig nga ni Dhani si George.Kaya lang di nya nakuha height ng tatay nya.

                                            Kumusta nga pala dyan sa Virginia? Sa California medyo maintriga alam mo na gawa rin ng maraming pinoy.Daming mayayabang na pinoy dito sa totoo lang,kaya pinipili ko ang friends ko na Pinoy dito.Kalimitan mga friends ko white at mexicans.

                                              Pages