MABUHAY! FILIPINOS ANYONE?
-
Ayos... pero mahal ang ticket! Mas gusto ko naman itong bagong kulay, hehehe!
-
bluebird14:
uy Keith - wala ka pa bang naririnig tungkol sa tour dyan sa area nyo? Tagal tagal naman! Inip na inip na ako. Ano kaya ang hold up? Naubos na lang yung pambili ko ng tiket namin!
Wala pa ako naririnig tungkol sa McCARTNEY tour anywhwere in California.
-
jessiemillano:
Ayos! Balik kay Pacquiao, sa tingin ko pinagbigyan lang ni Pacquiao 'yang si Morales. Sa tingin ko lang naman, pero usap-usapan din. Sa rematch at rubber match (ito yata ang tawag sa pangatlong laban o pagtutuos), babawi si Manny.
Meron nga ako kopya nitong MANILA MAIL,hawak ko.Eto yung Filipino-American na newspaper dito sa California.Eto ang dyaryong pinoy dito.Dito ko nga rin nabasa na naospital pala nanay ni Manny Pacquiao dun sa kanila ano? Parang ang sakit sa mata ngayon ng web design nito ano? Mas gusto ko yung itim dahil mas "rough" at mas rock ang dating..mas cool.
-
jessiemillano:
Mga kababayan, matanong ko lang, naka-attend naman kayo ng mga concert, hehe... Ano ba ang sound kapag live? Dinig na dinig ba? Saan ba nanggagaling yung music? Sa stage lang ba o may mga nakapalibot na speaker sa arena?
Malakas ang sound..But I cant describe how loud it is,bukod sa ingay ng tugtog pati yung audience surrounding you maingay din,magulo,magulo na masaya lalo na pag gustong gusto mo yung band..
-
Keith Adagio:
Dito ko nga rin nabasa na naospital pala nanay ni Manny Pacquiao dun sa kanila ano?
Hinimatay nung mabalitaan na na-headbutt o naputukan sa kilay si Manny. Napanood ko ulit yung laban, sa tingin ko panalo si Manny doon, laban kay Morales, hehe! Mas marami s'yang suntok at kombinasyon na naitama, sa tingin ko.

Pinanood ko rin - pinalabas ulit sa HBO at I think na dapat panalo nga si Pacman dahil marami nga syang suntok kesa dun sa isa. Luto yung mga Judges kasi!
-
bluebird14:
Pinanood ko rin - pinalabas ulit sa HBO at I think na dapat panalo nga si Pacman dahil marami nga syang suntok kesa dun sa isa. Luto yung mga Judges kasi!
Parang 50% lang na enerhiya ang ibinigay ni Manny pero mukhang panalo pa rin siya, hehe!
-
Keith Adagio:
jessiemillano:
Parang ang sakit sa mata ngayon ng web design nito ano? Mas gusto ko yung itim dahil mas "rough" at mas rock ang dating..mas cool.
Mas gusto ko rin yung itim. Nabo -bored ako sa kulay na ito. Mahirap basahin - parang magulo. Ibalik ang itim!!
-
Pinanood ko ulit yung Pacquiao vs. Morales, sa tingin ko panalo talaga si Manny doon, hehe!
-
Naka Daylight Saving Time na naman kami pare dito sa California,kaya imbes na 16, 15 hours na lang ang time difference namin dyan sa Pilipinas pareng Jessie.. Di ko alam ang time difference namin sa Virginia,di pa ako nakarating dyan sa inyo sa Norfolk Maria.Nakarating ka na ba dito sa amin sa Bay Area?

Nag-adjust din dito sa Virginia ng 1 hr ahead. Di tuloy ako nagising ng maaga. I lost 1 hour sleep. Dito ako sa trabaho. It's 7:20 am. I work 7 - 4pm. Di bale - Maaga naman akong uuwi. Instead na 4 pm (kala mo 4 na pero 3 lang pala). Nakaka-confuse! Nakarating na ako sa Oakland, and San Francisco back in , I think , 1990. Matagal na. May kaibigan ako dyan sa may bandang San Francisco. Ewan ko kung nandyan pa siya. Nawalan na kami pareho ng balita sa isa't isa. Papalitan na ang Pope. Mag-bobotohan kung sino ang susunod. Ganun pala yun. Kala ko may automatic na papalit agad. Magbobotohan pala at ang pagpipilian ay 118 Cardinals.
-
Tumataas din ba lagi ang presyo ng gasolina at diesel d'yan? Dito sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis!
-
jessiemillano:
Tumataas din ba lagi ang presyo ng gasolina at diesel d'yan? Dito sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis!
HINDI pare.Dyan lang sa Pilipinas tumataas lahat.Dito sa California[iba iba kasi batas bawat State kaya di ko alam kila Maria] di tumataas ang langis.Ang gasolina ko sa kotse $11 lang pang isang linggo ko na yun.Saka sa WestCat Bus tumaas minsan ang pamasahe pero 25 cents lang..Hindi sila tumataga dito pare di tulad dyan magugulang kasi tao kaya di umaasenso ang Pilipinas.Isda dito pare ang lalaki,1 pound $1.35 lang. Ang rate ng bilihin dito pare depende kung nasaang State ka.Sa New York,I've been there twice,medyo mahal ang bilihin duon kumpara dito sa amin sa California.
-
jessiemillano:
Tumataas din ba lagi ang presyo ng gasolina at diesel d'yan? Dito sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis!
Tumataas din dito. Mga $1.93 ang gas ngayon dito sa Virginia. Taas baba. Ang full tank ko mga $21.00 for Honda CRV. Marami rin ditong seafood kasi napapaligiran ang Virginia ng dagat. Nandito ang world's largest naval base kaya maraming Pinoy. Mga submarine at mga Carrier marami dito.
-
Lagi na lang dahilan na tumaas daw ang produktong langis sa world market. Niloloko lang yata ng gobyerno't mga kumpanya ng langis ang mga tao dito! Mga ganid sa pera!
-
jessiemillano:
Lagi na lang dahilan na tumaas daw ang produktong langis sa world market. Niloloko lang yata ng gobyerno't mga kumpanya ng langis ang mga tao dito! Mga ganid sa pera!
Katarantaduhan yun bro..Tama ka pare,you're very right! .
-
Thanks!
-
Where u guys been? Long time no talk. Ano ng tabalits? : Dito, wala naman. Ganun pa rin. Trabaho ng trabaho. Malamig na naman dito. Mga 50 degrees. Nagtanim pa naman ako ng kalamansi. Baka mamatay sa lamig kaya pinasok ko sa loob ng bahay. What's new?

Ganoon pa rin: a) marami ang namamatay sa krimen araw-araw dito sa Pilipinas b) mainit ang panahon k) mataas ang singil sa toll gate sa North Luzon Expressway; 300% ang itinaas mula noon pa yatang Pebrero. d) 40% na ang itinaas ng gasolina o diesel mula Disyembre hanggang sa kasalukuyan.
-
bluebird14:
Where u guys been? Long time no talk. Ano ng tabalits? : Dito, wala naman. Ganun pa rin. Trabaho ng trabaho. Malamig na naman dito. Mga 50 degrees. Nagtanim pa naman ako ng kalamansi. Baka mamatay sa lamig kaya pinasok ko sa loob ng bahay. What's new?
Nothing much.I went to San Bruno,CA to babysit yung anak ng ate ko,umalis kasi sila so I went there.I was trying to contact you guys pero putol kasi internet service ng computer nya. Plus,alanganin pasok ko sa trabaho,[dito rin puro trabaho],papasok ako ng 3 in the evening labas ko 11,tapos kinabukasan 7 ng umaga pasok ko kaya alanganin,at pagod pa ako kaya ngayon lang ako nakareply. Dito sa amin pareng Jessie,alas dos pa lang ng hapon "GOOD EVENING" na ang batian.